Posts

Showing posts from October, 2022

Kumustahan: Bagsak ang mga mata

Ang bigat-bigat ng mga mata ko. Gusto ko matulog pero ang andaming nasa isip ko. Nasisilaw ako sa nakasaksak na table lamp, siguro inaantok na talaga kasi ako. Ang sarap nang malumanay na ihip ng rechargeable fan na binili ko last month. Para akong hinehele, o siguro inaantok na talaga kasi ako. Iba yung antok ko ngayon, malungkot. Parang nagsisisi. Saan? Hindi ko lang sigurado. Baka dahil napapagod lang ako kaya pakiramdam ko mali lahat ng mga naging desisyon ko sa nakalipas na walong buwan. Pakiramdam ko mali na nandito ako ngayon. Wala akong nararamdaman na paghinga, lagi na lang akong bumabagon araw-araw dala-dala yung bigat sa nakalipas na kahapon na pagod. Para akong hinihila na lang ng oras, o kaya ng araw. Walang buhay? Kung mahuhulog ako sa rumaragasang tubig, panigurado naanod na ako... at nawala. Hindi ko pa pala napapakingan ang buong kanta ni Taylor Swift. Pero maganda raw, sabi sa Twitter. Pero ayoko muna pakinggan lahat, baka maromansa ko lang ang nararamdaman kong lungk